Sa taunang komemorasyon ng “Undas”, madalas umaatake ang mga kawatan, magnanakaw, akyat-bahay at mga mapanlamang.
Narito ang ilang simpleng tips ng BITAG Multimedia Network (BMN) upang hindi mabiktima ng mga kawatan:
- I kandado ang lahat ng pinto at bintana; tiyaking na walang dadaanan ang sinuman na magbabalak pumasok at magnakaw. Block all entry points.Kung maaari, maglagay ng burglar alarm o serena sa mga pintuan para maalerto ang mga kapitbahay kung may nakapasok sa kabahayan.
- Iwasang mag-iwan ng sulat sa labas ng bahay na nagsasabing walang tao
- Kung may mapagkakatiwalaan, ibilin sa kapitbahay na linisin ang harap ng bahay lalo na ang mga mailbox.
- ‘Wag hahayaang naiipon ang mga bills o anumang sulat sa mismong tapat ng pinto o main entrance ng bahay. Ito ang madalas pamantayan o senyales ng isang akyat-bahay na walang tao sa loob ng pamamahay.
- I tagubilin sa pinagkakatiwalaang kapitbahay ang inyong bahay at ipaalam din kung kailan kayo babalik.
- Iwasang mag-iwan ng nakalantad na bukas na ilaw sa labas ng bahay. Mabilis maka-tunog ang mga magnanakaw dahil malalaman na walang tumatao sa pamamahay dahil hndi napapatay ang mga ilaw.
- ‘Wag din mag-iiwan ng nakasinding kandila, bukas na electric stove o appliances upang makaiwas sa trahedya tulad ng sunog tumutulong gripo ng tubig at naka-plug na appliances.
- ‘Wag hayaang mabiktima ng akyat-bahay, masalisihan ng mga kawatan, at maisahan ng mga mapanlamang.
Ang simpleng tips na ito ng BMN at ng programang Pambansang Sumbungan #ipaBITAGmo ay maaaring makapag-ligtas ng buhay at inyong mga ari-arian.
Mula sa pamunuan ng BITAG Multimedia Network (BMN), kami ay nagpapa-abot ng mapayapang paglalakbay, magnilay, gunitain ang mga namayapa, at sulitin ang bakasyon para sa mga mahal sa buhay!
HAPPY HALLOWEEN!