BRIDE, NAGLAKAD NG KALAHATING ORAS PAPUNTA SA KANIYANG KASAL

Agad na nasubok ang pagmamahalan ng dalawang magkasintahan sa Camarines Sur.

Sa araw ng kasal nina Mark John Marticio at Hazel Ann Tejares, dumaan sa pagsubok ang pasensiya ng dalawa, lalo na si Hazel, papunta sa Tierra Nevada Catholic Church sa bayan ng Tinambac.

Itoy’ dahil kinailangan ni Hazel na maglakad ng halos kalahating oras sa malubak at maalikabok na daan papuntang simbahan dahil na din sa hindi ito madaanan ng anumang sasakyan.

“Di ko akalain na ganun kalayo ang lalakarin dahil sa kabilang barangay ginanap yung kasal. Mga 20 minutes ang layo kasi ng bahay nila sa main road,” ayon kay Maria Belen San Roque na pinsan ni Mark.

Bukod pa sa malubak at maalikabok na daan, tinawid din ni Hazel ang dalawang ilog. Nakaka-inspire sila kasi yung bride is hindi na din nakapagdala ng payong at tsinelas. Simple din ang tirahan nila na nasa gitna ng maisan,” dagdag ni San Roque. 

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x