Hindi pa muna magbabakasyon ang Boston Celtics.
Ito’y matapos talunin ng Celtics ang Miami Heat, 116-99 sa Game 4 ng kanilang Best-of-Seven Eastern Conference Finals series Miyerkules sa Kaseya Center sa Miami, Florida.
Sa kabila pa din ng panalo ay lamang pa ang Heat, 3-1 sa series at nangangailangan na lamang ng isang panalo para pumasok sa NBA Finals.
Ngunit hindi pumayag si Jayson Tatum ng Boston na umabante ang Miami sa Finals nang umiskor ito ng 33 points at 11 rebounds para ipwersa ang Game 5 sa TD Garden, ang homecourt ng Boston.
Nasayang naman ang 29 points, nine rebounds at five assists ni Miami main man Jimmy Butler.
Tumikada lamang ng 8-of-32 (25%) sa 3-point area ang Miami habang 18-of-45 (40%) ang Boston. Lalaruin ang Game 5 Biyernes ng umaga sa homecourt ng Boston.