Patay ang dalawang ‘alpha’ o asset matapos sumablay ang buy-bust operation ng Philippine National Police (PNP) sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Ayon sa ulat ng Police Regional Office ng Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao, napatay sa entrapment ang dalawang police asset na nagpanggap na poseur buyer.
Kinilala ang dalawang nasawing police asset na sina Alias “Toks” at Alias “Odjie”.
Bibili sana ng shabu ang dalawang asset, kasama ang mga anti-narcotic agent ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, ngunit nauwi ito sa putukan matapos makatunog ang mga subject.
Pinagbabaril ng mga suspek sa loob ng kotse ang dalawang asset bago sila tumakas. Tinutugis na ng awtoridad ang mga suspek.