
Isang cancer survivor ang nanalo ng P50 million sa 6/42 lotto draw noong February 28.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang winning combination ng naturang cancer survivor ay 26-14-11-08-07-22. Kinolekta ng swerteng lotto winner ang kaniyang premyo noong March 3 sa PCSO office sa Mandaluyong City.
“Napakatagal ko nang sumusubok sa lotto, simula 1998 ay tumataya na ako. Numero yan ng mga kaarawan at buwan ng kapanganakan namin pamilya. Iyang lumabas na numero ay isang taon ko ng inaalagaan,” ani lotto winner.
Ayon pa sa lotto winner, nakinabang din siya sa medical assistance ng PCSO habang siya ay nagpapagamot ng kaniyang cancer.
CAPTION: Tinanggap ng isang cancer survivor ang kaniyang P50-million lotto prize noong March 3 sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong March 3, 2023 sa Mandaluyong City. (Photo from PCSO)