CALOY YULO, NAKASUNGKIT NG 2 GINTO SA WORLD CUP SERIES

Nakasungkit muli ang pambato ng Pilipinas na si Carlos Yulo ng ginto sa katatapos na FIG Artistic Gymnastics World Cup Series sa Baku, Azerbaijan, noong Sabado, March 11.

Dinomina ni Yulo ang Men’s Vault tournament kung saan ay naka score siya ng 14.933 points. nakuha naman ng taga Britanya na si Harry Hepworth na nakakuha ng 14.816 upang makuha ang silver na medalya habang naiuwi ni Shek Wai Hung ng Hong Kong ang bronze medal ng maka score ito ng 14.716 points.

Sunod na paghahandaan ni Yulo ang pang-apat at huling serye ng World Cup na gaganapin sa Cairo, Egypt sa April 27 hanggang 30.

Ang serye ng World Cup ngayong taon ay isang qualifier para sa gaganaping 2023 FIG Artistic Gymnastics World Championships sa Antwerp, Belgium sa September 30 hanggang October 8.   

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x