CELLPHONE SUMABOG SA TYAN, RIDER KRITIKAL

Kritikal ang isang working student nang sumabog ang cellphone nito na nakaipit sa kaniyang tiyan.

Comatose na itinakbo sa ospital si Jhonelle Paches habang bumibiyahe Linggo ng umaga (May 28) sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Papunta noon sa kaniyang trabaho si Paches sa Pasig nang sumabog ang kaniyang cellphone, dahilan para mawalan ito ng kontrol ng kaniyang motor at humampas sa poste.

Kasalukuyang nasa Philippine General Hospital (PGH) si Paches na nagkaroon ng hematoma o dugo sa kaniyang utak at third degree burn sa kaniyang tiyan.

“Tinututukan po ng mga doctor nang CT Scan ang namuong dugo sa utak nya. So far after 3 CT Scans, hindi daw lumalaki ang dugo kaya di need i surgery,” ani post ng kapatid ni Paches na si Jhonalie.

Isang culinary student si Paches na nakatakdang magtapos ngayong taon.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x