CHICKEN INASAL NASA TOP 100 BEST CHICKEN DISHES IN THE WORLD

Isa sa mga paboritong manok ng mga Pinoy, ang Chicken Inasal – ang pasok sa Top 100 Best Rated Chicken Dishes in the World.

Base sa rankings na ginawa ng Taste Atlas, number 15 sa buong mundo ang Chicken Inasal nang makatanggap ito ng 4.5 sa kabuuan 5 stars mula sa nasabing food and travel website.

Kinukunsidera sa Pilipinas ang pamatay na chicken dish “important cultural property” ng Bacolod City.

Samantala pasok naman ang Chicken Adobo sa Top 100 nang okupahin nito ang 73rd spot sa 4-star  ratings.

Numero uno ang jujeh kebab ng Iran na may 4.8 rating habang and dak galbi ng Korea na may 4.7 rating ay pumangalawa. Pangatlo ang Indian butter chicken (murgh makhani) na may 4.6 rating.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x