Patuloy ang pagbaba ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19).
Ayon sa Department of Health (DOH), bumaba sa 35% ang Covid-19 cases mula June 12 to 18.
Sa kanilang latest case bulletin, nagtala ang agency ng 612 daily infections, mas mababa ng 335 cases sa period ng June 5 to 11 kung saan naitala ang 947 cases.
Walang naitalang namatay buhat sa Covid-19 nitong mga nakaraang linggo.
Samantala ang kaso ng mga severe at critical infections ay bumaba sa 477 buhat sa 527 na kaso sa nakaraang linggo.