Lumapit sa Pambansang Sumbungan #ipaBITAGmo ang inang si Rosemary upang ireklamo ang ginawang pananakit ng isang CAFGU sa kanyang anak.
Ayon kay Rosemarie, mahilig maglaro ng ML o Mobile Legends, isang sikat na online game sa cellphone ang 14-anyos na anak niyang si “Buboy”.
Madalas daw nitong kalaro ang kaibigan na si “Jay-Ar” na pumupunta pa sa kanilang bahay sa Barangay Sisay, Tungawan, Zamboanga Sibugay.
Isang gabi pumunta raw si “Buboy” sa bahay ng kanyang kaibigang si “Jay-Ar” upang kunin ang kanyang cellphone. Subalit, noonh gabing yun ay pinagalitan daw si Buboy ng lasing na tiyuhin ni Jay-Ar na isang CAFGU o Citizen Armed Force Geographical Unit.
Sinisisi raw ng tiyuhin si Buboy na bad influence sa kanyang pamangkin kung kaya’t hindi na raw ito umuuwi sa tamang oras.
Sinubukan daw magpaliwanag ni Buboy, subalit bigla na lamang daw itong sinampal at pinagtatadyakan ng lasing na tiyuhin ng kalaro.
Bagamat hindi nangungunsinti ang BITAG ng anumang uri ng pananakit, pero sa imbestigasyong may nadiskubre ang BITAG na tunay na dahilan ng problema. Napag-alaman ng BITAG na walang magulang na gumagabay sa menor-de-edad. Ang pananakit, ay resulta lamang ng problema.