DENVER NUGGETS, HARI NG NBA

Sa unang pagkakataon sa paglalaro ng 47 years sa NBA, nakasungkit na sa wakas ang Denver Nuggets ng NBA title.

Wagi ang Nuggets kontra Miami Heat, 94-89 sa Game 5 Martes ng umaga upang iselyo ang kanilang series, 4-1.

Gaya ng inaasahan bida si two-time MVP Nikola Jokic para sa Nuggets nang magtala ito ng 28 points, 16 rebounds at four assists sa 42 minutes na paglalaro.

Suportado si Jokic ni shooting forward Michael Porter, Jr. nang maglista ito ng 16 points at 13 rebounds.

Nasayang naman ang 21-point performance ni Jimmy Butler para sa Heat.Simula nang pumasok ang Denver sa NBA noong 1967 ay ngayong season lamang pumasok ang Nuggets sa NBA Finals.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x