Hindi naging hadlang sa isang batang babae ang pagkakaroon ng hindi kumpletong kamay.
Si Kim Guanzon, isang Grade 10 student ng Bulanon Farm School sa Sagay City, Negros Occidental ay nagpakita ng abilidad sa pag-guhit sa kabila ng kaniyang kapansanan.

Sa Facebook photo ni Renz Jun Gasper, makikita ang obra ni Kim na kaniyang entry sa editorial cartooning contest ng District Press Conference.
Bukod sa kaniyang kakayahan sa pagguhit, sinasabing top achiever din sa kaniyang eskwela si Kim. Iginuhit ni Kim ang sitwasyon ng ekonomiya sa bansa na naging entry nito sa Western Visayas Division event ng Department of Education.