Inanunsyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na natapos na nila Dumangas-Barotac Nuevo Diversion Road project sa Iloilo.
Ang P34.3 milyon project ay pinondohan sa ilalim ng 2022 General Appropriations Act (GAA).
Makakatulong aniya ang bagong gawang daan upang mapabuti ang mobility at connectivity sa hilagang bahagi ng Iloilo.
Malaki din ang maibibigay na benepisyo nito sa ekonomiya sa paghahatid ng mga kalakal at serbisyo, gayundin ang pagpapalakas ng turismo at job opportunities.
Ang ginawang pagkonkreto sa 1.9 kilometrong kalsada ay isinagawa ng DPWH Iloilo Second District Engineering Office sa ilalim ni District Engineer Allan Rey Pajimna sa Barangay Agcuyawan Pulo sa Barotac Nuevo.