DRUG SUSPEK, DEDO SA BUY-BUST

Patay ang isang lalaki matapos pumalag at makipagbarilan sa mga pulis sa isang drug bust operation laban sa kanya sa sa Brgy. Damayang Lagi, Quezon City.

Kinilala ang napatay na suspek na si Jordan Cedie Balana, alyas “Cedie” 40 hanggang 45 years old at itinuturong nasa top 4 street level individual sa illegal drugs ng Quezon City at miyembro din umano ng isang armed robbery group.

Ayon sa report ng PltCol. Ian Ang, Station Commander ng Police Station 11, dakong alas-10 ng gabi noong January 11, kumagat sa inilatag na buy bust operation ang mga suspek sa kahabaan ng 14th Street, Sta. Cecelia, Brgy. Damayang Lagi, Quezon City.

Habang isinasagawa ang transaksyon, nakatunog si Balana na mga pulis ang kanyang katransaksyon. 

Agad siyang bumunot ng baril at nakipagpalitan ng putok sa mga operatiba.

Agad namang nakatakas ang kasama nito na kinilalang si Benjie Valencia gamit ang motor na walang plaka. 

Narekober mula sa suspek ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu na may DDB value na Php 34,000, isang (1) calibre ng .38 revolver na walang serial number, mga bala, at tatlong piraso ng genuine Five Hundred Peso Bill na may kasamang dalawang pirasong Fake Five Hundred Peso na budol money.

Kasalukuyan nagsasagawa ng follow up operation ang mga operatiba para madakip si Valencia. 

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x