DRY RUN NG SINGLE-TICKETING SYSTEM SA NCR, IDADAOS SA ABRIL

Balak ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na simulan na sa Abril ang dry run ng ipatutupad na  single ticketing system sa buong National Capital Region (NCR).

Enero ngayon taon nang aprubahan ng lahat ng mga alkalde sa Metro Manila ang nasabing sistema matapos ang halos dalawang dekadang diskusyon at pagpaplano.

Sa ilalim ng single-ticketing system, magiging uniform at standard ang mga multa at parusa na ipapataw sa lahat ng mga motoristang lalabag sa batas trapiko sa buong Kamaynilaan.

Ang mga traffic violators ay maaaring bayaran ang kanilang mga penalties online.

Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, makakabuti ang nasabing dry run para sa mga traffic enforcers ng ahensya, gayundin ng mga lokal na pamahalaan upang sila ay maging pamilya sa sistema.

Aniya, ito rin ay magsisilbing oportunidad upang matugunan ang mga problemang teknikal na maaaring lumitaw.

“The single ticketing system across Metro Manila is nearing full implementation. There is a need to conduct a dry run to increase public awareness,” wika ni Artes kahapon, Marso 2.

Pitong lokal na pamahalaan ang nagpahayag ng kanilang mga interes upang pagdausan ng dry run ayon kay Artes. 

Ang mga ito ay San Juan, Muntinlupa, Quezon City,Valenzuela, Parañaque, Manila at Caloocan.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x