Pormal nang nakapasok si top Filipino pole vaulter EJ Obiena sa 2024 Paris Olympics.
Nakuha ni Obiena ang Olympic slot sa isang event na sinalihan nito sa Sweden.
Nagtala si Obiena ng 5.82 meters Bauhaus-Galan event Lunes ng umaga. Ito ang knukunsiderang qualification standard ng 2024 Olympics.
Si Obiena ang unang Filipino athlete na pumasok sa darating na Olympics na gaganapin July 26 hanggang August 11, 2024 sa Paris, France.
Samantala sa nasabing Sweden event, nagtapos na pangalawa si Obiena, kasunod ni eventual champion at local hero Armand Duplantis.Noong June ay naitala ni Obiena ang Asian Record na 6.00 meters sa Sparebanken Vest Bergen Jump Challenge sa Norway.