Makakabakbakan ng Olympic bronze medalist na si Eumir Felix Marcial ang beteranong boksingero na si Ricardo Ruben Villalba ng Argentina sa darating na Feb. 11 (Manila Time)
Makakaharap ni Marcial si Villalba sa middleweight undercard bout ng sagupaang Ray Vargas-O’Shaquie Foster na gaganapin sa San Antonio, Texas
Ang six-round match kontra sa Argentinian boxer ang ika-apat na laban ni Marcial simula nang tumuntong ito sa professional boxing noong 2020.
Kasalukuyang may kartada na 3-1 win loss record ang 27-anyos na si Marcial. Huli itong sumampa sa ibabaw ng lona kontra kay Stephen Picardo kung saan nanalo siya via uninamous decision noong Disyembre nakaraang taon
Bago pa ito, una nang tinalo ni Marcial ang American boxer na si Andrew Whitfield noong Oct. 2020. Sinundan ito ng fourth technical knockout (TKO) victory kontra kay Isiah Hart noong Abril nakaraang taon.
Samantala, ang 33-anyos na si Villalba naman ay may professional record na 20 wins, 7 losses, at 1 draw.