NOON AT NGAYON, ANG PAMAMAYAGPAG NG FAKE MONEY

Hanggang sa ngayon ay patuloy na namamayagpag ang underground industry sa likod ng pagpapakalat ng counterfeit o fake money.

Sa kabila ng mga pagdagdag ng Banko Sentral ng Pilipinas ng mga safety features sa ating mga salapi, sumasabay rin ang mga malikhaing sindikato na nasa likod ng pamemeke. 

Lalo na ngayong panahon ng kapaskuhan, mas aktibo at agresibo ang mga dorobong nasa likod nito.

Sinisingit nila ang mga pekeng pera sa orihinal, sa mga transaksyon at pamimili upang hindi mahalata.

Maka ilang beses na ding nagsagawa ng operasyon ang BITAG kasama ang mga operatiba upang tuldukan ang mga sindikatong nasa likod ng fake money.

Unang beses ay noong taong 2004 kung saan natimbog ng BITAG ang  grupong nasa likod ng pekeng 500 peso bill sa Recto, Manila.

Sa tulong ng isang miyembro ng sindikatong ikinanta ang kanilang aktibidades, umabot ng tatlong linggo ang undercover operation ng BITAG.

Makailang beses nakabili ang mga BITAG undercover ng pekeng P500 bill sa grupo. Noong mga panahong ‘yun, si yumaong Ninoy Aquino pa ang mukha ng P500.

Kumpirmado ang impormasyon ng tipster, nabibili ang mga pekeng 500 pesos sa halagang P200 bawat piraso.

Sa pakikipag ugnayan noon ng BITAG sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), agad sinuri ang mga P500 bill na nabili ng mga undercover sa Recto.

Sa kumpirmasyon ng BSP, inihanda ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR) ang isang ‘‘entrapment operation’’.

Panoorin kung paano nahulog sa BITAG ang unang sindikato ng fake money! 

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x