Magkakaroon ng magandang kondisyon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagpapatupad nito ng Food Stamps ngayong taon.
Ayon kay DSWD undersecretary Ed Punay, oobligahin ng programa ang mga benepisyaryo nito na mag-enroll sa mga training programs ng gobyerno o direktang maghanap ng trabaho.
“While we’re helping them with their food requirements, siguro iyong maitutulong natin na pagkain sa kanila, pambili ng pagkain – gamitin na lang po nilang pamasahe papunta sa TESDA, papunta sa DOLE, paghahanap ng trabaho – iyon po ang target nitong programa na ito,” ani Punay.
Dagdag pa ni Punay, iniiwasan nila na matulad sa 4Ps ang naging suliranin kung saan halos ayaw nang bumitiw ng mga recipients sa nasabing programa.
“Admittedly, ang ating mga ilang beneficiaries diyan, ayaw nang umalis sa 4Ps kahit na due for graduation na sila. Ito iyong gusto nating iwasan sa mga bagong programs nating gagawin. That’s why we have the conditionalities now for the food stamp program,” ani Punay.
“Limited resources po ang gobyerno kaya kailangan, we maximize, we make use of our resources to help our poor get out of that poverty line. Kaya po ang target nating exit program dito is they graduate after three to four years once they get out of the poverty line,” dagdag pa ni Punay.