Dumating na sa Manila si dating Dallas Mavericks star player na si Dirk Nowitzki Huwebes upang maging parte ng FIBA World Cup 2023 draw na gaganapin Sabado (April 29) sa Smart Araneta Coliseum.
Ang dating NBA champion na pinangunahan ang team Germany na masungkit ang bronze medal noong 2002 Worlds ay makakasama sa FIBA World Cup draw kasama na rin ang dating NBA player Luis Scola ng Argentina.
Sa isang Instagram post ni Senator Sonny Angara, ibinahagi nito ang litrato kasama si Nowitzki sa Ninoy Aquino International Airport.
“Welcome to the Philippines @swish41 ! You’ve got a lot of fans here,” saad ni Angara sa kanyang Instagram post.
Ang gaganaping draw ang magtatakda ng final groupings ng mga teams na iho-host ng Pilipinas, Japan, at Indonesia.
Samantala, dumating na rin sa Pilipinas ang dalawa pang dating NBA player na sina Luis Scola at Yao Ming na magiging parte rin ng FIBA World Cup draw.