“FREE HAND TECHNIQUE TRAINING KAY BITAG!”

PAGTULONG sa kapwa na may puso, ‘yan ang tatak ng public service meron ang mga TULFO.  

Astig, bamurambado at mayabang kung ilarawan kami ng ilan. Subalit mula sa henerasyon ng aming ama, sinundan ng aking Kuya Mon, hanggang sa aming magkakapatid na sina Tol Raffy, Erwin at Ben – nasa puso na ang pagtulong naming sa kapwa.  

Kung may mga pendeho’t kolokoy na inirereklamo at bumabastos ng aming pangalan – may kalalagyan ‘yan.

Ang lagay, kayo na ang mga dorobo, kayo pa ang may tigas ng apog na bastusin at paglaruan ang apelidong TULFO.

Not under my watch!

May mag-amang dealer diyan sa Pampanga, nagbebenta ng mga flooded cars, nang mabalitaang lalapit sa BITAG ang mga biktima  – nagmalaki’t nanakot pa ng kanilang mga biktima. 

Isasampal pa raw kaming mag-u-utol sa mukha ng nagrereklamo. Aba kita mo nga naman ano,  ang tapang – nang hindi kami kaharap.

Ang tanong, ganito rin kaya sila katapang kapag kaharap na ako o isa sa mga utol ko?!

Para alamin sana ang katotohanan ng sumbong, sinubukan kong tawagan ang mag-ama. Kaso mo, maka-ilang beses ko sila tinawagan live sa aming programa, hindi naman sumasagot. 

Gusto ko sana sila makausap at magkaroon ng pagkakataong maturuan ko sila ng tamang teknik ng paghampas, free one on one training with BITAG himself, off-cam

Kaya paalala naman sa publiko ng isang eksperto, ‘wag nang bumili ng mga kotseng may problema sa papeles o makina mismo. Hindi na daw dapat binubuo pa ang mga sasakyang nabaha na.

Para sa mag-ama naman na inirereklamo, hindi muna ako maniniwala sa ng mga biktima, hihintayin ko ang pagsagot niyo sa  tawag ko, wag niyo lang masyado tagalan at minsan mainipin ako. 

Saan ko kaya kayo ililista muna, sa listahan ng kaibigan o mga kaaway ko? 

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x