GAB OFFICIAL SA CEBU, DUGUAN MATAPOS BUGBUGIN NG BOXING JUDGE

Isang boxing judge ang nahaharap sa kasong pambubugbog matapos nitong sugurin ang isang Games and Amusement Board official sa Cebu.

Duguan si GAB Cebu officer-in-charge Jimmy Donton nang pagsusuntukin ito ni boxing judge Edgardo Olalo matapos ang isang boxing event noong Sabado sa Cebu.

Sinasabing may alitan ang dalawa matapos umanong pahirapan ni Donton si Olalo na makakuha noon ng boxing license.

Base sa report sa Lapu-Lapu City police, personal na kinuha ni Olalo ang kaniyang honorarium kay Donton matapos ang boxing event.

Umano, hindi nagustuhan ni Olalo ang mga pasaring ni Donton kaya’t nauwi ito sa bugbugan.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang nasabing insidente.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x