Matinding bakbakan sa hardcourt ang Christmas treat ng Philippine Basketball Association (PBA) sa pagbubukas ng Best-of-7 Finals para sa 47th season ng 2022 PBA Commissioner’s Cup.
Naka-iskedyul ang Game 1 Finals ng Barangay Ginebra San Miguel at Bay Area Dragons sa Linggo, Dec. 25, araw ng Pasko.
Gaganapin ito sa Mall of Asia Arena sa Pasay City ganap na alas-5:00 ng hapon.
Sunod na salpukan ay gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa Dec. 28 ganap na alas-5:45 ng hapon.
Sa MOA Arena muling maghaharap ang dalawang koponan para sa Game 3 at 4 sa January 4 at 6, 2023 (5:45 pm.)
Kung kinakailangan, muling babalik sa MOA Arena ang Gin Kings at Bay Area sa Jan. 8 at 11 para sa Game 5 at 6 (5:45 pm).
Sakaling humantong sa Game 7 ang karera, gaganapin ang knockout match sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan sa Jan. 13, 2023 (5:45 pm).