Girlfriend ni Kuya, pinagsasaksak ng kapatid

Nagtamo ng tatlong saksak ang isang babae matapos pagsasaksakin ng kapatid ng kinakasama niya noong Miyerkules sa Quezon City. 

Sa inisyal na ulat ng Quezon City Police District (QCPD) Station 14, naganap ang insidente sa loob ng bahay na kapwa tinutuluyan ng suspek at biktima sa Calamansi Street, Brgy. Pasong Tamo sa nasabing lungsod. Nagtamo ng dalawang saksak sa balikat at isang tama sa leeg ang biktima.

Ayon sa imbestigasyon ni Police Captain Anthony Dacquel, nasa second floor ng bahay ang suspek ng tawagin ito ng kanyang kuya dahil hihiga sa itaas ang kinakasama nito. Agad namang bumaba ng lalaki. Subalit dahil naalala nya raw ang mga pagpaparinig na ginawa ng biktima sa kaniya, kumuha ito ng kutsilyo, bumalik sa itaas ng bahay saka pinagsasaksak ang babaeng karelasyon ng kaniyang kuya.

Aminado ang suspek na ginawa nya ang pananaksak dahil napuno na raw siya at napikon sa ginagawa ng babae, Itinanggi naman ito ng biktima. 

Nakipag-areglo nalang ang suspek at hindi na nagsampa ng kaso ang biktima. 

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x