Lumapit sa Pambansang Sumbungan #ipaBITAGmo ang magsasaka na si Michael Poliquit, 55 years old mula Brgy. Odiongan, Abuyog, Leyte.
Nakaraang Abril, nalubog daw sa baha ang maraming lugar sa lalawigan ng Leyte dala ng Bagyong Agaton. Ayon kay Michael, kabilang sa naapektuhan ng bagyo ang kanyang 3-hektaryang lupa na pagmamay-ari ng kanilang pamilya.
Dahil sa hagupit ng bagyo, natabunan daw ang kaniyang lupa ng mga graba’t buhangin dulo’t ng landslide sa mga matataas na bundok.
Problemado ngayon si Michael sa mga truck-truck na labas-masok sa kanyang lupa na naghahakot ng graba at buhangin.
“Naabutan ko ang mga truck na pumasok sa loob ng lupa ko, panay ang kuha nila ng sand and gravel sa lupa ko” sumbong niya sa #ipaBITAGmo.
Ayon kay Michael, ang mga truck ay pagmamay-ari ng lokal na pamahaalan ng Abuyog, Leyte.
Itinuturo ni Michael ang isang Bemboy Sy na dati umanong konsehal ng Abuyog, Leyte. Si Bemboy umano ang nagu-utos na hakutin ang mga graba at buhangin na nakatambak sa kanyang lupa.
“Daanan po ng tubig yang lugar na ‘yan, wastewater po nagkataon dyan po dumaan sa lupa niya, noon sir naghahakot din si Michael 40 truckloads, kaya siya nagpu-putak dahil hindi na siya makuha ngayon” paliwanag naman ni Bemboy Sy sa BITAG.
Dagdag ni Bemboy, ang opisina ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nag-atas na hakutin ang graba at buhangin upang magamit para sa government project na pabahay para sa mga nasalanta ng bagyo.
Tinawagan din ng BITAG ang Municipal Environment and Natural Resource Office (MENRO) ng Abuyog Leyte. Paglilinaw ng MENRO, pagmamay-ari ng gobyerno ang buhangin at graba na inanagkin ni Michael