Group sex ng mga millenial at suppliers ng ecstasy, hulog sa BITAG!

Taong 2017, ikinabahala ng BITAG ang impormasyong ibinunyag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ginagamit daw ng sindikatong nagpapakalat ng high-grade liquid ecstasy ang mga colleges student para gawing dealers, distributors o asset ng iligal na droga. Ayon sa PDEA, “iskolar” ang tawag sa kanila.

Tulad ng mga literal na iskolar, pino-pondohan ng mga sindikato ang mga “iskolar” nila. Pinag-eenrol ng ilang subjects sa mga unibersidad at kolehiyo upang madali lang na makapaghikayat ng ibang estudyante.

Mapanganib ang dulot ng liquid ecstasy lalo sa mga kababaihan. Ilang patak lang nito sa anumang inumin, talab agad. Kilala din ito sa tawag na “millennial drugs”.  Ginagawa nila ang party sa loob ng isang hotel room na mauuwi sa “sex orgy” o group sex.

Isa din sa krimen na epek­to ng paggamit ng liquid ecstasy, ang date rape. Napatunayan ang impormasyong ito nang ikasa ang operasyon laban sa mga suspek na nasa likod ng bentahan ng liquid ecstasy.

Matagum­pay na naisagawa ang buy bust operation. Arestado ang dalawang suspek. 
Kinabukasan matapos ang isinagawang operasyon, lumapit ang kamag-anak ng isang suspek sa PDEA. Nag-alok ng isang milyon piso kapalit ang kalayaan ng kaniyang suspek.

Panoorin ang maaksyon operasyon ng BITAG:

https://youtu.be/ylHO-aZywNQ

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x