GRUPO NG CHINESE, IBINUKING ANG MODUS NG IMMIGRATION


TANGGAL SA BI BLACKLIST KAPALIT ANG P1M-P5M…
GRUPO NG CHINESE, IBINUKING ANG MODUS NG IMMIGRATION

Tahasang isinumbong ng grupo ng Chinese Nationals sa mga mambabatas ang umano’y namamayagpag na modus operandi ng mga kawani ng Bureau of Immigration (BI) kasunod ng paghiling na permanente nang suspendihin ang “visa upon arrival” para sa mga Chinese. 

Ibinunyag ito ni “Ka Kuen Chua” chairman ng Movement for Restoration of Peace and Order (MRPO) sa Senate hearing ng Public Order and Dangerous Drugs Committee sa Senado. Ayon sa kaniya, maaari na umanong burahin ang mga pangalan ng mga blacklisted na mga Chinese sa BI list kapalit ang isang milyon hanggang limang milyong ibabayad sa mga BI personnel. Ikinababahala daw ng MRPO na pawang ina-advertise pa ito sa mga Chinese social media platform.  

Maliban dito, sinabi rin ni Chua na may mga “den of inequity” sa Pampanga at Cavite na pino-protektahan ng mga opisyal ng pulis. Mismong mga kababayan nya raw ang nagsumbong sa kaniya na biktima ng mga gang. 

Ang nakakabahala pa raw, ang mga pulis at fiscal pa ang mga nag-aayos ng affidavit of desistance ng mga Chinese na biktima ng mga pang-aabuso na gustong i-withdraw ang kaso. 

Dahil dito, hiniling ni Chua sa gobyerno ng Pilipinas na itigil na ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs). Nagiging pugad lang daw kasi ito ng mga Chinese worker na nagiging biktima ng extortion, human trafficking, kidnapping, abduction, prostitution, torture at murder. Ang itinuturo nyang nasa likod nito, mga sindikato at Chinese recruiters. 

Sinabi naman ni Senator Ronald ‘’Bato’’ dela Rosa, chairman ng COmmittee on Public Order and Dangerous Drugs ng Senado  na agad nila ng imbestigahan ang mga alegasyon na ito sa Immigration.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x