Arestado ang isang miyembro ng notorious na gun-for-hire group matapos masukol ng mga pulis sa kanyang bahay sa Brgy, Anyatam, San Ildefonso, Bulacan.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Provincial Director Col. Relly Arnedo, naaresto ang suspek na si Rico Irabagon, 44-anyos, negosyante, dahil sa kasong paglabag sa PD 1866.
Sa isinagawang tactical interrogation ng PNP Bulacan, miyembro umano ang suspek ng notoryus na “Lorenzana Criminal Group” na responsable sa gun-for-hire, gun running, robbery/smuggling at illegal drug activities sa Bulacan.
Nakuha sa bahay ng suspek ang .9MM pistol, isang hand grenade fragmentation (MKII), cal.45 pistol, sari-saring mga bala, at 12 plastic sachet na hinihinalang shabu.