Dahil sa tindi ng init ng panahon, isang guro sa Valenzuela City ang namigay ng milk tea at iced coffee sa kanyang mga estudyante sa araw ng kanilang examination.
Nag-viral sa social media kamakailan ang Facebook post ni Teacher Arlene Rodriguez ng Bagbaguin National High School matapos itong magbigay ng kakaibang motivation sa kanyang advisory class sa kanilang third periodical exam.
“Goodluck mga nak.. ‘Wag masyado ma-pressure, I know na ginagawa nyo palagi ang best nyo.. wala muna tayong goodluck cookies ngayon.. dahil mainit ang panahon, may pa Iced Coffee and Milk Tea nman si Ma’am,” saad ng guro sa kanyang Facebook post.
Si Teacher Arlene ay isang Grade 9 AP teacher sa naturang paaralan.
Hindi ito aniya ang unang beses na nagbigay siya ng ‘treats’ sa kanyang mga estudyante tuwing exam. Ayon sa kanya, madalas niya rin itong ginagawa kapag sila ay nananalo sa mga contest upang lalo silang ma-motivate sa pag-aaral.