HANGIN SA ALBAY, MAGANDA PA

Nananatiling maganda ang kalidad ng hangin sa probinsiya ng Albay sa kabila ng patuloy na pag-alboroto ng Mayon Volcano.

Base sa huling 24-hr monitoring ng Environment Management Bureau-Bicol (EMB-Region 5), lumalabas na nasa green level ang overall air quality index ng hangin sa Mayon.

Ayon kay EMB regional director Maria Socorro Abu, ang mga monitoring devices na kanilang ginagamit ay nakapwesto sa Legazpi City, Ligao City, Tabaco City at Guinobatan.

Ipinakikita ng datos dito na nasa pagitan ng 1-50 range ang air quality index dito, na ang ibig sabihin ay maganda ang kalidad ng hangin at wala itong banta sa kalusugan.”The quality of air in the entire Bicol region is acceptable and within the standard, we were able to comply with all requirements by the EMB central office to be classified as attainment for air quality based on Philippine Clean Air Act,” ayon kay Abu.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x