Kinumpiska ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang P1.2 milyong halaga ng “ukay-ukay” na nasabat sa Matnog Port, Sorsogon noong Martes, Dec. 6.
Nadiskubre ng mga operatiba ang ipinuslit na imported used clothes na nakasilid sa 41 na bundle.
Itatakas sana ito gamit ang puting pampasaherong van, pero hinarang ito ng mga tauhan ng PCG bago makalabas ng Matnog Port.
Agad kinumpiska ang mga ipinuslit na kontrabando dahil sa paglabag sa Republic Act No. 4653.
Nasa kustodiya ng BOC ang mga nakumpiska at inaalam pa kung kanino ito nakapangalan at kung saang bansa ito galing.