INSTAGRAM NAGPAPADALI SA MOTIBO NG MGA CHILD SEX ABUSERS

Lumabas sa isang pagsusuri na ang Instagram ang main source ng mga pedophile networks pagdating sa child sexual abuse.

Ayon sa report ng Stanford University at Wall Street Journal, nakatutulong ng malaki sa mga sexual offenders and algorithm recommendation at ang direct messaging para makapang-biktima ang mga ito.

“Large networks of accounts that appear to be operated by minors are openly advertising self-generated child sexual abuse material for sale,” ayon sa  Cyber Policy Center ng Stanford University.

Lumabas naman sa report ng Joshua Center sa Washington na sa pagitan ng 8-31% ng mga batang babae at 3-17.6% ng batang lalaki ang biktima ng Child Sex Abuse (CSA) sa buong mundo.

Tiniyak naman ng Meta na kanilang ginagawa ang lahat para maiwasan na magamit pa ang kanilang platform sa ganitong uri ng krimen.”We’re continuously exploring ways to actively defend against this behavior, and we set up an internal task force to investigate these claims and immediately address them,” ani statement ng Meta.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x