JAPAN, AUSTRALIA AT U.S., JOINT PATROL SA WPS

Kasalukuyan inilatag ng Department of Foreign Affairs ang mga guidelines para sa pagsasagawa ng Joint Patrol Efforts sa West Philippine Sea.

Ito ay matapos na magpahayag ng suporta sa maritime security ang iba’t-ibang kaalyadong tulad ng Japan, Australia, at Estados Unidos.

Kasunod ng mga pangha-harass ng Chinese Coast Guard sa Philippine Coast Guard at mga mangingisdang Pilipino sa Ayungin Shoal na bahagi ng West Philippine Sea na bahagi ng Exclusive Economic Zone ng ating bansa.

Ayon kay DFA spokesperson Teresita Daza, ang binubuong guidelines ngayon ng kanilang ahensya ay para sa planong pagsasagawa ng joint patrol ng Pilipinas katuwang ang ibang bansa sa West Philippines Sea na kapwa isinusulong ang peace and stability sa Indo-Pacific Region. 

Kung matutupad ang plano, ito ang unang pagkakataon na sumali ang Pilipinas sa multilateral maritime patrols sa West Philippine Sea.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x