Japanese national na wanted dahil sa ATM theft, ipina-deport na

Nai-deport pabalik ng kaniyang bansa ang isang Japanese National na wanted dahil sa financial fraud.

Ayon sa Bureau of Immigration (BI), may arrest warrant buhat sa Tokyo court ang 26-anyos na si Risa Yamada dahil umano sa pagnanakaw ng mga ATM information sa Japan.

Nagagawa ito ni Yamada sa pamamagitan ng pagpanggap bilang bank official o kaya ay police officer.

Inaresto ng mga BI agents si Yamada noong January sa Pasay nang ideklara itong undocumented foreigner matapos i-revoke ng Japanese government ang kaniyang passport.

Biyernes ng umaga (March 17) nang isakay ng eroplano si Yamada papuntang Narita, Japan.

Caption: Inihatid na sa NAIA pabalik ng Japan si Risa Yamada na wanted dahil sa pagnanakaw ng bank details ng kaniyang mga naging biktima. Bumiyahe pabalik ng Narita, Japan si Yamada Biyernes, March 17, 2023. (Photo from Bureau of Immigration) 

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x