JAPETH AGUILAR, POSIBLENG MAKALARO SA PBA FINALS

Inaasahan ni Barangay Ginebra head coach Tim Cone na makakabalik ang frontline defender ng Gin Kings na si Japeth Aguilar sa PBA Finals kontra Talk n Text.

Ayon kay Cone, umaayos na ang pag rerecover ni Aguilar mula sa kanyang natamo na MCL injury at inaasahang makakalaro na ito sa Game 1 ng Finals.

“He still has a ways to go, but with the [long] break, that might put him in a position (that) he might play in Game 1. But we expect him back at some point of the series,” ani Cone.

Huling nakapaglaro si Aguilar sa Ginebra noong game 1 ng semifinals kontra NLEX Road Warriors kung saan ay nakapaglaro lamang ito ng 19 minutes at nakagawa ng 4 points.

Hindi narin nakapag laro sa huling window ng FIBA World Cup Asian Qualifier noong February.

Sakaling makabalik si Japeth mula sa kanyang injury, inaasahang maipapasok kaagad ito sa lineup ng Gin Kings na umaasam na makuha ang kanilang pangatlong sunod na Governors’ Cup title.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x