JIMUEL PACQUIAO, WAGI SA AMATEUR MATCH SA LAS VEGAS

Tila sumusunod si Jimuel Pacquiao sa yapak ng Filipino boxing legend at kanyang ama na si Pambansang Kamao Manny Pacquiao matapos niyang manalo sa kanyang ika-anim na amateur fight na ginanap sa Las Vegas kahapon, Feb. 5 (Manila time)

Nakabakbakan ng 22-anyos na si Jimuel ang mas malaki sa kanyang American amateur boxer na si Marco Rosales sa Fights of Fury 8.

Si Jimuel ay may timbang na 135 and a half pounds habang si Rosales naman ay nasa 148 lbs.

Subalit sa kabila nito, tinanghal na panalo ang batang Pacquiao via unanimous decision matapos ang tatlong umaatikabong two-minute amateur rounds.

“It wasn’t really that much of a difference maker because I spar also big guys in the gym all the time, so it wasn’t that much of a difference,” wika ni Jimuel sa isang panayam ng ABS-CBN Sports.

“It was good. It was fun. It was fun. A lot of historic fights happen here,” dagdag pa ng boksingero.

Inaasahang mananatili sa Los Angeles, California si Jimuel upang ipagpatuloy ang kanyang pag-eensayo sa Wild Card Boxing Club kung saan nag ensayo rin noon ang kanyang ama.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x