“KUWATRO O KWARTO”, COLLEGE DEAN HULOG SA BITAG!

Malaki ang saklaw ng kapangyarihan ng isang Dean ng unibersidad at kolehiyo.

Subalit, paano kung sila mismo ang umaabuso sa kapangyarihan na nagdulot ng kapamahakan at kahihiyan sa kanyang estudyante?

Taong 2011, nang mayanig ang industriya ng akademiya nang mahulog sa BITAG ang isang college Dean dahil sa immoral na alok nitong “Kuwarto o Kwatro.”

Palihim siyang nagkaroon ng relasyon sa isang estudyante. Sa tuwing may nangyari sa kanila, kinukunan niya ng hubo’t hubad ang pobreng estudyante.

Nang magdesisyon ang estudyante na makipaghiwalay sa dean, tinakot siya ipapakalat ang kanyang larawan.

Hindi kalaunan, natigil ang kanilang relasyon, subalit ang larawan ng estudyante, kumalat na sa internet.

Hindi matanggap ng pobreng estudyante ang labis na kahihiyan dahil sa pinagagawa ng dean, kaya humingi na siya ng tulong sa BITAG.

Agad plinano ng BITAG kasama ang Regional Special Task Force sa Camp Bagong Diwa ang entrapment operation laban sa abusadong dean.

Sa isang hotel sa Maynila, matagumpay na nasakote ang inirereklamong dean.

Isa siya sa mga kauna-unahang nasampahan ng kasong paglabag sa bagong batas noon Republic Act 9995 o Anti-Photo and Voyeurism Act.

Sa panayam ng BITAG, Napag-alaman din, na hindi ito ang unang beses na nasangkot sa ganitong krimen ang dean.
Alamin ang buong detalye sa link na ito:

YouTube player

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x