LALAKI, PINAGTATAGA NG AMA DAHIL SA VIDEOKE

Patay ang isang 27 anyos na lalake nang pagtatagain ito ng kanyang ama  dahil sa agawan ng microphone habang nag iinuman sa kanilang bahay sa Mulanay, Quezon nitong Miyerkules ng gabi, April 26.

Ayon sa report ng Quezon Police, nagkakantahan sa videoke ang mag ama habang nagiinuman sa kanilang bahay sa barangay Ibabang Yuni.

Nang mag play sa machine ang kantang “kung sakaling ikaw ay lalayo” na kanta ng Jbrothers, nirequest ng tatay na kantahin ito ng  mag-isa ngunit hindi binigay ng anak ang microphone kung kaya’t nag-agawan ang dalawa.

Sa huli ay pinag-tataga ng suspek ang kanyang anak ng maraming beses na ikinamatay ng biktima on the spot.

 Sa ngayon ay pinaghahanap pa rin ng mga otoridad ang suspek na tumakas habang inihahanda na rin ng pulisya ang kasong parricide laban sa suspek.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x