Gumawa ng kasaysayan ang isang lalaki na may cerebral palsy matapos niyang makumpleto ang marathon event na ginanap sa Barcelona, Spain noong Marso 19.
Si Alex Roca Campillo na mula Catalonia ang kauna-unahang nakapagtapos ng isang buong marathon na may 76% disability.
Hindi naging hadlang kay Alex ang kapansanan at nalagpasan niya ang finish line sa loob ng 5 hours and 50 mins, and 51 seconds na may layong 42,195 km.
Si Roca ay may cerebral palsy, sanhi ng cerebral herpes na nakuha niya noong anim na buwan pa lamang siya. Hindi inakala ng mga doktor na mabubuhay pa siya.
Naapektuhan ng kapansanan ang kaliwang bahagi ng katawan ni Alex at nakikipag-usap gamit ang sign language.
Bago ang event, makailang beses din siyang lumahok sa iba’t ibang kumpetisyon tulad ng triathlon.
Noong 2019, natapos din niya ang mountain bike race na Garmin’s Titan Desert race sa Moroccan desert.