Mataas ang bilang ng mga Pinoy pagdating sa pananaw sa kanilang buhay sa susunod na anim na buwan.
Ito ang lumabas sa latest survey ng private polling at consultation firm OCTA Research.
Base sa “Tugon ng Masa” survey, 54% ng mga adult Filipinos ang ng naniniwala na tataas ang kalidad ng kanilang buhay sa susunod na anim na buwan.
40% naman ang nagsasabi na pareho lang buhay sa darating na anim na buwan habang 4% ang nagsasabing mas magiging masama lang ang estado ng kanilang buhay.
“Optimism regarding the quality of life of adult Filipinos increased compared to last October 2022 from 51 percent to 54 percent. Meanwhile, pessimism decreased from 6 percent to 4 percent,” ayon sa report ng OCTA.
Ang “Tugon ng Masa” survey ay ginawa mula March 24 hanggang 28 na commissioned ng Go Negosyo.