LESPU, BINARIL ANG GF DAHIL SA SELOS

“Sorry Jessica,” ito ang sinabi ng isang pulis matapos niyang barilin ang isang babae sa Tacloban City.

Kinilala ang biktima na si Jessica Durana, 30, residente ng Barangay  42, Tacloban City.

Ayon sa ina ni Durana, naglalakad sila ng kanyang anak nang sinundan pala sila ng pulis at suspek na si Senior Master Sgt. Van Gregory Benitez. 

Nang tawagin daw nito ang kanyang anak, nakatutok na ang baril nito at pinutok sa katawan ng biktima.

Narinig din ang paghingi ng tawad ni Benitez at saka kaswal na naglakad palayo.

Base sa imbestigasyon, may relasyon umano sina Durana at Benitez at selos ang nakikitang dahilan ng krimen. 

Dinala si Durana sa Tacloban City Hospital ngunit hindi na ito umabot ng buhay.

Nagsasagawa na ng manhunt operation ang Tacloban police laban sa suspek.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x