Tinapos ng Colegio de San Juan de Letran ang kanilang 14 years na hindi nakakapasok sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) finals ng talunin nila ang Mapua University sa score na 83-78 sa ginanap na NCAA Season 98 Juniors Basketball semi-finals round kahapon, Pebrero 6.
Nanguna para sa Squires si Andy Gemao na gumawa ng 14 points samantalang nakapag bigay din ang kanyang teammates na si Jonathan Manalili at Jovel Baliling ng tig 12 at 11 points.
“Ang sabi ko nga sa kanila, the last championship ng Letran is 2001 with JC Intal, JR Reyes, RJ Jazul. So it’s about time to make another history, kasi nandyan na e, may piyesa na tayo,” saad ni Squires head coach Allen Ricardo.
Nakagawa naman para sa Red Robins si Nygel Gonzales ng career high 21 points para sa kanyang huling juniors game.
Huling nakapasok sa finals ang Letran Squires noong 2009 ng NCAA Season 85 kung saan ay tinalo sila ng San Beda Red Cubs in a best of three game.
Hinihintay ng Squires ang mananalo sa pagitan ng San Beda at La Salle Greenhills na magbabakbakan para sa huling pwesto sa finals.