Nakatakdang mag-ikot ang isang mobile clinic na naglalayong magbigay ng libreng chest X-Ray sa mga residente ng 5th District sa Maynila.
Layunin nito na mabigyan ng de-kalidad na serbisyong pangkalusugan ng mga nasabing residente.
Unang aarangkada ang proyekto ngayong Lunes, March 13 sa Rosario Reyes Health Center simula alas-otso ng umaga. Kinabukasan, March 14 ay dadayo ang clinic sa Baseco Health Center bago tumungo sa Pedro Gil Health Center sa March 15.
Pagdating ng March 16, ang Paco Health C enter ang magiging destinasyon ng nasabing mobile clinic.
Ang proyekto ay handog ni 5th District Manila Congressman Irwin Tieng para sa mga residente ng kanilang distrito.
Sa mga nagnanais pumunta sa libreng X-ray, siguraduhin lang na mayroong dala-dalang Doctor’s referral ng nasasakupang health center bago ang nasabing konsultasyon.