‘Unang’ namatay si Bella Montoya noong June 9 sa Ecuador.
Matapos bihisan at ilagay sa loob ng kabaong si Bella, unti-unti itong kumatok at nakitang pilit na binubuksan ang kaniyang mga mata at humihinga limang oras matapos itong ideklara ng kaniyang doctor na patay na.
Namalagi si Bella sa intensive care unit kung saan muli itong idineklarang patay Pitong araw ang nakalipas.
“This time my mother really did die. My life will not be the same,” ayon sa kaniyang anak na si Gilbert Barbera.
Ischemic stroke ang sinasabing dahilan ng pagkamatay ng 76-anyos na si Bella.Isang grupo ng experto ang binuo ng Ecuadorian health ministry upang imbestigahan ang nasabing kaso.