“MADUGONG ANIBERSARYO” 20TH ANNIVERSARY

Taong 2003, ika-29 ng Marso,  ika-34 na anibersaryo noon ng pagkatatag ng New People’s Army o NPA.

Ito rin ang araw nang personal na masaksihan ng BITAG ang bakbakan sa pagitan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Army sa mga pinaghihinalaang miyembro ng NPA.

Ang anibersaryo, naging madugo dahil sa engkuwentro na naganap sa boundary ng Pandi at Angat Bulacan

Dalawampung taon na ang nakakalipas, sariwa pa rin sa BITAG ang bawat pangyayari’t kaganapan ng madugong engkwentro.

Sa loob mismo ng armored personnel carrier o V-150, eksklusibong nakasama ang isang segment producer ng BITAG sa msg sundalong magsasagawa ng “clearing” at rescue operation.

Hindi naging madali ang misyon dahil walang puknat na niraratrat ng mga NPA snipers ang tangkeng sasakyan ng mga otoridad.  Nahirapan ang mga alagad ng batas na makuha ang mga sugatang pulis sa “battle ground”.

Sa gitna ng matinding putukan, tatlong pulis ang nai-rescue at naisakay sa V-150. Subalit isa dito ang binawian ng buhay.

Sa kabuuan, limang pulis, dalawang sundalo at tinatayang nasa 20 communist rebels ang napatay sa nasabing bakbakan.

Dalawang dekada man ang nakaraan, isa ang coverage na ito sa mga hindi malilimutang episode ng BITAG mula nang maipalabas ang programa sa telebisyon. Mga aktuwal at totoong pangyayari.

Hanggang ngayon, napapanood pa din ito sa aming Youtube channel.

Panoorin ang BITAG Classic :

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x