MAGBAYAW, PATAY NANG MAMULUTAN NG PALAKA

Patay ang mag-bayaw nang mamulutan ito ng palaka Miyerkules sa Mariveles, Bataan.

Kinilala ang mga biktima na sina Charlie Caballero, 27 anyos at bayaw na si Dennis Zarate, 37.

Base sa ulat, nag-iinuman ang dalawa Miyerkules nang madaling araw nang maisipan nang mga ito na adobohin ang nahuling palakang karag.

Ilang sandal lamang nang kainin ng mga ito ang adobong palaka ay nagsuka na pareho matapos sumakit ang kani-kanilang mga tiyan.

Agad isinugod ng kanilang kaanak at ilang kapitbahay sina Caballero at Zarate sa Mariveles District Hospital kung saan binawian ng buhay ang mga ito. Ayon naman sa ama ng isa sa mga biktima na si Elorde Caballero, kinain ng dalawa ang bituka at mga itlog ng palaka. 

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x