MAGNITUDE 5.6 NA LINDOL, TUMAMA SA CAGAYAN

Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang probinsya ng Cagayan Huwebes ng umaga (March 23).

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang tectonic quake ay tumama 17 kilometro sa hilagang kanluran ng Dalupiri Island sa Calayan bandang alas siyete y media ng umaga. Ito ay may lalim na 15 kilometro.

Nakaranas ng intensity V ang Calayan, Cagayan habang intensity II naman ang naramdaman sa  bayan ng Flora at Santa Marcela, Apayao.

Naitala rin ng Phivolcs ang mga sumusunod na instrumental Intensity:

Intensity III – Pasuquin, Ilocos Norte

Intensity II – Laoag, Ilocos Norte; Narvacan, Ilocos Sur

Intensity I – Peñablanca and Gonzaga, Cagayan; Batac, Ilocos Norte; Sinait, Ilocos Sur 

Ayon sa Phivolcs, posibleng makaramdam ng mga aftershocks subalit hindi ito magdudulot ng matinding pinsala.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x