MASARSANG ULO NG DAGA NASA LOOB NG SARDINAS

Nakasanayan na ng mga Pilipino ang kumain ng sardinas. Mayaman man o mahirap tinatangkilik dahil masarap at mura. 

Subalit paano kung sa pag-bukas mo ng delata ang bumulaga sa iyo, hindi kaaya-ayang dumi sa loob ng lata? 

Taong 2006, lumapit sa tanggapan ng BITAG ang nagpakilalang si Edna upang ipakita ang dala niyang delatang sardinas. 

Sa una’y aakalaing normal na delatang sardinas lang ang dala ni Edna. Ngunit tumambad sa BITAG ang nakakadiring ulo ng daga na kasama sa loob ng delata.

Pumunta ang Bitag sa Consumers Complaints Division (CCD) ng Department of Health (DOH) na humahawak sa mga kasong may kinalaman sa mga foreign objects o dumi na nakikita sa loob ng delata o bote.

Ayon kay Atty. Dennis Guevarra ng DOH CCD, kailangan munang mag-file ng complaint form ang nagrereklamo. Pagkatapos ay papatawagin ang kumpanya upang magkaroon ng conciliation at mediation ang magkabilang panig.

Kung sakaling hindi magkasundo ang nagrereklamo at ang kumpanyang inirereklamo ay ididretso na sa administrative proceedings kung saan ay magkakaroon ng formal investigation.

Sunod na pinuntahan ng  BITAG ang University of the Philippines College of Public Health sa Department of Parasitology na sumusuri sa ganitong klaseng reklamo.

Ayon sa kanila, ang mikrobyo tulad sa kaso ng patay na daga sa lata ng sardinas ay namamatay na dahil daw sa mataas na temperatura ng pagluto nito. Wala ngang makukuhang sakit dahil luto na ang daga sa loob ng sardinas ngunit nagkakaroon naman ng Psychological trauma ang mga nakakain nito.

Sa huli ay nagbigay ng hakbang ang College of Public Health sa ganitong klaseng reklamo.

Una, ipa-blotter sa pinakamalapit na pulis station. 

Pangalawa, dalhin ng pulis sa city health office. Pangatlo ay ipapasa ng city health office sa BFAD (Bureau of Food and Drugs) at panghuli irerekomenda ng BFAD sa ahensyang pwedeng sumuri. 

Nagpaalala naman ang  BITAG na hindi nila layunin na siraan ang mga kumpanyang gumagawa ng mga delata at debotelyang pagkain. Bagkus ay kailangan lamang malaman ng mga publiko ang katotohanan sa likod ng mga pabaya at iresponsableng kompanya.

Ang buong istorya, panoorin! 

YouTube player

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x