MATAPOS MAG ROLLBACK LAST WEEK, PRESYO NG LANGIS, MULING NAGTAAS

Matapos magpatupad ng rollback nitong nakaraang linggo, muli na naman sisipa pataas ang presyo ng langis ngayong araw, Enero 17.

Nagsimulang magdagdag ng P0.95 ang mga kumpanya ng langis sa kada litro ng gasolina kanina alas-6 ng umaga. 

Maglalaro sa P57 hanggang P82 ang presyo ng kada litro ng diesel at gasoline, habang P72 hanggang P83 naman ang sa kerosene.

Isa sa mga dahilan ay ang pagtaas ng demand ng langis sa China dahil sa muling pagbubukas ng ekonomiya nito. 

Ang price adjustment ay ayon na rin sa pinakahuling kalakalan nito sa bansa.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x