Asahan ang maulan na weekend ngayong papalapit sa Pilipinas ang isang low pressure area (LPA).
Base sa social media post ng PAGASA, namataan ang LPA 295 kilometers silangan ng Infanta, Quezon.
Dahil dito ay magiging maulan ng kabuuan ng Luzon, Visayas, Zamboanga Peninsula, Norhthern Mindanao at Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao. Makararanas ang mga ito ng maulap na papawirin at kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat sa mga susunod na araw hanggang sa weekend.
Parehong sitwasyon din ang mararanasan ng Davao Region at SOCCSKSARGEN.Nagbabala din ang State weather bureau ng posibilidad na magkaroon ng flash floods o landslides dahil sa pag-ulan.